Thursday, August 22, 2019

HALIMAW SA BARYO ANGELES


Sa isang baryo ng Angeles ay may gumagala na isang halimaw. Pumapatay ito ng tao sa pamamagitan ng pagkain nito ng mga laman-loob. Kadalasan ang mga biktima nito ay mga batang edad ( 8-12). Sinasabing ang halimaw na ito ay nakatira sa isang bundok. At sinasabing bumababa ito sa mga baryo upang makapang-biktima ng kanyang makakain.

(Gabi na ng nakauwi sila alysa at ang kanyang itay galing sa pagtitinda ng mga gulay sa bayan. Kabilugan ng buwan noon at medyo madilim na.
Habang naglalakad sila Alyssa at ang kanyang itay sa kalsada pauwi ng bahay, ay biglang may dumaan sa harap ng mag-ama na parang isang anino at bigla itong napasin ni alysa.)
Alyssa: Tay napasin niyo ba yun?
Mang Delfin: yung alin?
Alyssa: May nakita akong  parang aninong tumawid sa kalsada.
Mang Delfin: Sus! guni-guni mo lang yun, wala naman akong nakita.  bllisan mong maglakad at wala pang sinaing  sa bahay baka nagugutom na yung kapatid mo.
(Habang nasa hapag kainan yung pamilya. Iniisip parin ni Alyssa ang kayang nakitang anino na tumawid sa kalsada na nakatulala sa hapag kainan.)
Mang Delfin: ano bang iniisip mo ha anak,  kanina ka pang nakatulala diyan?
Bunsoy:  Oo nga ate kanina ka pang ganyan.
Alyssa: Iniisip ko parin yung nakita ko kanina itay.
Mang Delfin:  yung anino nakita mo kanina? Wag mo nang pansinin yun,  gutom lang yan. Kumain kana at matulog , gigising pa tayo bukas ng maaga, hindi pa nauubos yung mga paninda nating gulay. Sabi ni pareng Ambo maraming mamamili sa umaga.
Alyssa: Opo itay.  
Mang Delfin: hala sige kain.
(Lumipas ang gabi ng matahimik.)
(Kina-umagahan umaalis ng bahay ang mag-ama para magtinda sa palengke  habang tulog pa si bunsoy. Habang nagtitinda sa  palengke ang mag-ama ay bigla nalang sumama ang pakiramdam ni Alyssa.)
Mang Delfin: Anak anong nangyayare sayo?
Alyssa: Masama po ang pakiramdam ko itay.
Mang Delfin: Uminom ka ng tubig at umupo ka muna riyan.
Mang Delfin: Gulay! Gulay! Gulay!
Alyssa: Tay, uuwi po muna ako sa bahay masama po talaga ang pakiramdam ko.
Mang Delfin: O sige anak mag-ingat ka sa pagtawid. susunod nalng ako sa bahay paubos narin itong paninda natin.
(Iniwan ni Alyssa ang kanyang itay mula sa pagtitnda sa palengke.
Habang pauwi na ng bahay si alysa ay napansin niyang maraming tao sa nila. Tinanong ni alyssa ang isang mama.)
Alyssa: Mama ano pong nangyayare bakit maraming tao sa may bandang tulay ng ilog? Mama: mayroon isang nakitang  patay na batang lalaki, sinasabing isang halimaw daw ang gumawa.
Alyssa:  O sige mama Salamat po!
Mama: O sige ining mag-ingat ka.
(Nagmadaling umuwi sa bahay si Alyssa.  Alas onse narin ng tanghali naka-uwi ang kanilang ama mula sa palengke.)
Mang Delfin: O mga anak kumusta kayo?
Alyssa:  Ayos lang po kami itay.
Mang Delfin:  Medyo malaki rin ang kinita natin kanina, sa susunod na buwan ay dadagdagan na natin ang ating mga pananim at sa susunod na taon ay pwede na kayong dalawa pumasok ulit sa eskwela. Alyssa: Talaga po itay?
Mang Delfin:  Oo
Alyssa at bunsoy: yehey! 
Bunsoy:  Ate pagpumasok na ako sa eskwela ikaw parin ang taga-gawa ko ng mga homework ko ah? Alysa: Hindi na pwede bunsoy.
Bunsoy: Bakit naman ate?
Alyssa: Aba! Bunsoy grade five kana sa susunod na pasukan kaya mo nang gumawa ng mag-isa. Tutulong nalang ako pag hindi mo kaya.
Bunsoy: Kung sabagay.
Mang Delfin: Tama na yang diskusyon ninyong magkapatid.
Alyssa: Tay alam mo, may batang nakitang patay kanina sa ilog malapit sa tulay, ang sabi ng mamang napagtanungan ko kanina ay halimaw daw ang may kagagawan.
Mang Delfin:  Ano? Isang halimaw? (At biglang tumahimik at nag-isip.)
Bunsoy: Tay, totoo po bang may halimaw?
Mang Delfin: Hindi pa tayo sigurado kung talagang halimaw nga yung pumatay sa bata.
(Kinahaponan ay nagpunta agad si mang DelFin sa kumpare niyang si mag Ambo upang pag-usapan ang nangyareng pagpatay sa batang lalake.)
Mang ambo: O pareng Delfin kumusta napadalaw ka?
Mang Delfin:  Alam mo na ba pareng ambo ang nangyareng pagpatay sa batang lalake na ang sabi-sabi ay ang halimaw daw ang pumatay?
Mang Ambo: Oo totoo yan pareng Delfin may halimaw nga dito sa baryo natin. yung batang lalaking taga kabilang baryo na  ang mga magulang ay isang magsasakang tulad ko.
Mang Delfin:  Aba’y kailangan na nating kumilos ng maaga bago pa ang ating mga anak ang mapatay  ng halimaw na ito.
Mang Ambo: Tama ka diyan pareng Delfin.
Mang Delfin: Kung minsan ay naiiwan namin ni Alyssa na mag-isa sa bahay si bunsoy.
(Habang nag-uusap ang magkumpare ay dumating ang anak ni mang Ambo na si Lito na galling sa kanilang eskwelahan.
Lito: Tay tay! may nakitang patay doon sa may damuhan isang walong taong gulang na batang babae. halimaw daw ang may kagagawan.
(Pinuntahan naman agad ito ng dalawang magkumpareng Ambo at Delfin  ang lugar kung saan mayroong  batang piƱatay umano ng Halimaw.)
Mang Delfin:  Nakakatakot pala ang paraan ng pagpatay ng halimaw na ito, kinukuha ang mga laman-loob ng tao.
Mang Ambo: Oo nga pareng Delfin, kaya kailangan nating mag-ingat.
(nung kinagabihan ng araw na iyon pagkauwi ni mang Delfin galling sa kanyang kumpareng si mang Ambo ay agad niya itong ibinalita sa kanyang mga anak.)
Mang Defin: Alam niyo ba mga anak mayroon na namang nabiktima ang halimaw kanina.
Alysa: ha! Sino tay?
Mang Delfin: Isang batang babae ng walong taong gulang taga rito sa baryo natin.
Bunsoy: Tay natatakot ako baka pumasok sa atin yung halimaw.
Mang Delfin: Kailangan nating mag-ingat, wag na kayong lumabas ng bahay kung madlim na.
Alyssa at Bunsoy : Opo tay.
(Habang natutulog si mang Delfin at ang kanyang mga anak ay may naririnig siyang kakaibang tunog. Inisip niya agad baka ito na ang halimaw.
Dali-dali niyang kinuha ang kangyang matalim na itak at lumabas ng bahay. Pagkalabas ni mang Delfin  ng bahay ay tiyempong namang papalapit na ang halimaw sa kanilang bahay.
Pagkakita ng halimaw kay mang Delfin ay bigla itong umalis papalayo.  
Hindi na nakatulog si mang Delfin ng gabing yun.
Kinaumagahan ay nagpunta si mang Delfin sa kumpare nitong si mang Ambo na magsasaka at ikweninto niya ang nangyare kagabi.)
Mang Delfin: Pareng  Ambo, nakita ko na yung itsura ng halimaw.
Mang Ambo: Bakit pare pumunta ba sainyo kagabi?
Mang delfin: Oo pare muntik na kaming mabiktima,buti nalang ay hindi pa ako masydong tulog nung siya’y magtangkang pumasok sa bahay.
Mang Ambo: Kailangan na nating magpunta kay Kapitan upang malaman niya na dito na sa baryo natin gumagala yung halimaw. At kinakailangan na nating planuhin ang pagpatay sa halimaw na yan, bago pa man makapang-biktima ng bata.
(Pagdating kay kapitan nila mang ambo at mang Delfin ay agad nilang pinag-usapan ang mga dapat gawin upang madakip na ang halimaw.)
Kapitan: Kung ganon ang inyong plano na dakpin at patayin ang halimaw ay tutulong din ako. Sa ngayon ay kailangan muna nating ipaalam ito sa mga ka-baryo natin na may gumagalang halimaw sa ating baryo. At hihikayatin natin sila na sumama sa atin sa pagdakip at pagpatay sa halimaw na ito.
Mang Delfin: Sang-ayon ako sa inyong plano Kapitan, kami ni pareng Ambo ay tutulong sa pagpapatawag ng pagtitipon.
Mang Ambo: Tama Kapitan, tutulong din ako. 
(At ipinatawag ni Kapitan lando ang mga tao sa baryo para sa isang pagtitipon sa gagawing pagdakip sa halimaw, sa tulong ni mang Delfin at mang Ambo ay maraming nakadalo sa pagtitipon.)
Kapitan: Maraming salamat sa inyong pagdalo mga ka-baryo, marahil ay alam na ninyo kung bakit tayo’y naririto upang ipaalam sa inyo na dito na sa ating baryo gumagala ang pumapatay ng isang bata upang kainin ang mga lamang-loob nito.. oo mga kabaryo ang tinutukoy ko ay ang halimaw. Ang magpapatunay na mayroon ngang halimaw na gumagala sa ating baryo ay si mang Delfin. 
Mang delfin: Tama si Kapitan mga ka-baryo, ang halimaw na tinutukoy ni Kapitan ay minsan ko nang nakasagupa ngunit sa di malaang dahilan siya umatras at lumayo. Kaya,  upang matigil na ang mga nagaganap na mga patayan dito sa ating baryo, kami ni Kapitan at ni pareng Ambo ay tutulong sa pagdakip sa halmaw na ito. Kung sino mang sa inyo ang gusto sumama sa amin ni Kapitan at pareng Ambo ay magtaas lamang ng kamay.
(Natuwa si Kapitan at si mang Delfin dahil sa halos lahat ay naki-isa sa pagdakip sa halimaw.
Mga Ka-baryo: Patayin ang halimaw! Patayin ang halimaw!
(Nung araw mismo ay nagsipaghanda na ang mga taga baryo Angeles  ng mga sibat at mga itak na gagamitin sa pagpatay sa halimaw. At nang ginagabihan din ay nagpatrolya na ang mga taga-baryo Angeles sa bundok para sa pagdakip at pagpatay sa halimaw.) 
Kapitan:  Sandali lang mga ka-baryo, kinakailangan nating maghiwa-hiwalay upang madali nating makita ang ating hinahanap. Mag-tatlong grupo tayo, ang iba ay sumama sa kina delfin at ambo. At yung iba ay sumama sa akin.
(Nagpatuloy sa paghahanap sa aswang ang mga taga baryo angeles. At maya-maya pa ay may narinig ang grupo ni kapitan ng may sumisigaw.
Grupo ni Delfin: Kapitan, nakita na naming yung halimaw nasa taas ng puno ng mangga!
(Agad itong ginamitan ng sibat ni mang Delfin)
Mang Delfin: Kapitan, tinamaan ko sa tagiliran!
(napatalon halimaw sa lupa ng may tama sa tagiliran. Tumakbo ito papalayo,
Kapitan: Ayon bumaba na! habulin niyo!
(tiyempo naman nandoon ang grupo ni mang Ambo at  tinaga ito ni mang ambo sa leeg hanggang hindi na ito nakatakbo at napatay.
Pagdating ng grupo nila Kapitan at ni mang Delfin ay nakita nila na patay na ang halimaw. Nagpasalamat si kapitan sa mga kabaryo sa matagumpay nitong misyon.)
Kapitan:  Mga ka-baryo maraming salamat sa inyong lahat at matatahimik narin ang ating lugar. Mabuhay ang mga taga-baryo angeles!
Baryo angeles: Mabuhay!
Pagkauwi ng mga grupo ni kapitan ay masayang ibinalita ito sa buong baryo ng angeles.
Kapitan: Mga ka-baryo ikinagagalak naming  ibalita sa inyo na patay na ang kinatatakutan nating halimaw. Sa tulong ng ating magigiting na sila mang Delfin at mang Ambo at ang ating mga ka-baryo Angeles. Mula ngayon ay balik na sa normal ang ating pamumuhay dito sa baryo Angeles.
(tuwang-tuwa ang mga tag-baryo Angeles sa ibinalitang patay na ang kanilang kinakatakutang halimaw)

At namuhay ng mapayapa ang mga taga- baryo Angeles.