Sa isang baryo ng Angeles ay may gumagala
na isang halimaw. Pumapatay ito ng tao sa pamamagitan ng pagkain nito ng mga
laman-loob. Kadalasan ang mga biktima nito ay mga batang edad ( 8-12).
Sinasabing ang halimaw na ito ay nakatira sa isang bundok. At sinasabing
bumababa ito sa mga baryo upang makapang-biktima ng kanyang makakain.
(Gabi na ng nakauwi sila alysa at ang
kanyang itay galing sa pagtitinda ng mga gulay sa bayan. Kabilugan ng buwan
noon at medyo madilim na.
Habang naglalakad sila Alyssa at ang
kanyang itay sa kalsada pauwi ng bahay, ay biglang may dumaan sa harap ng
mag-ama na parang isang anino at bigla itong napasin ni alysa.)
Alyssa: Tay napasin niyo ba yun?
Mang Delfin: yung alin?
Alyssa: May nakita akong parang aninong tumawid sa
kalsada.
Mang Delfin: Sus! guni-guni mo lang yun, wala
naman akong nakita. bllisan mong maglakad at wala pang sinaing sa
bahay baka nagugutom na yung kapatid mo.
(Habang nasa hapag kainan yung pamilya.
Iniisip parin ni Alyssa ang kayang nakitang anino na tumawid sa kalsada na
nakatulala sa hapag kainan.)
Mang Delfin: ano bang iniisip mo ha anak,
kanina ka pang nakatulala diyan?
Bunsoy: Oo nga ate kanina ka pang ganyan.
Alyssa: Iniisip ko parin yung nakita ko kanina
itay.
Mang Delfin: yung anino nakita mo kanina?
Wag mo nang pansinin yun, gutom lang yan. Kumain kana at matulog ,
gigising pa tayo bukas ng maaga, hindi pa nauubos yung mga paninda nating
gulay. Sabi ni pareng Ambo maraming mamamili sa umaga.
Alyssa: Opo itay.
Mang Delfin: hala sige kain.
(Lumipas ang gabi ng matahimik.)
(Kina-umagahan umaalis ng bahay ang
mag-ama para magtinda sa palengke habang tulog pa si bunsoy. Habang
nagtitinda sa palengke ang mag-ama ay bigla nalang sumama ang pakiramdam
ni Alyssa.)
Mang Delfin: Anak anong nangyayare sayo?
Alyssa: Masama po ang pakiramdam ko itay.
Mang Delfin: Uminom ka ng tubig at umupo ka muna
riyan.
Mang Delfin: Gulay! Gulay! Gulay!
Alyssa: Tay, uuwi po muna ako sa bahay masama po talaga ang
pakiramdam ko.
Mang Delfin: O sige anak mag-ingat ka sa
pagtawid. susunod nalng ako sa bahay paubos narin itong paninda natin.
(Iniwan ni Alyssa ang kanyang itay mula sa
pagtitnda sa palengke.
Habang pauwi na ng bahay si alysa ay
napansin niyang maraming tao sa nila. Tinanong ni alyssa ang isang mama.)
Alyssa: Mama ano pong nangyayare bakit maraming tao sa may
bandang tulay ng ilog? Mama: mayroon isang nakitang patay na batang
lalaki, sinasabing isang halimaw daw ang gumawa.
Alyssa: O sige mama Salamat po!
Mama: O sige ining mag-ingat ka.
(Nagmadaling umuwi sa bahay si Alyssa.
Alas onse narin ng tanghali naka-uwi ang kanilang ama mula sa palengke.)
Mang Delfin: O mga anak kumusta kayo?
Alyssa: Ayos lang po kami itay.
Mang Delfin: Medyo malaki rin ang kinita
natin kanina, sa susunod na buwan ay dadagdagan na natin ang ating mga pananim
at sa susunod na taon ay pwede na kayong dalawa pumasok ulit sa eskwela. Alyssa: Talaga
po itay?
Mang Delfin: Oo
Alyssa at bunsoy: yehey!
Bunsoy: Ate pagpumasok na ako sa eskwela
ikaw parin ang taga-gawa ko ng mga homework ko ah? Alysa: Hindi
na pwede bunsoy.
Bunsoy: Bakit naman ate?
Alyssa: Aba! Bunsoy grade five kana sa
susunod na pasukan kaya mo nang gumawa ng mag-isa. Tutulong nalang ako pag
hindi mo kaya.
Bunsoy: Kung sabagay.
Mang Delfin: Tama na yang diskusyon ninyong
magkapatid.
Alyssa: Tay alam mo, may batang nakitang patay kanina sa ilog
malapit sa tulay, ang sabi ng mamang napagtanungan ko kanina ay halimaw daw ang
may kagagawan.
Mang Delfin: Ano? Isang halimaw? (At biglang
tumahimik at nag-isip.)
Bunsoy: Tay, totoo po bang may halimaw?
Mang Delfin: Hindi pa tayo sigurado kung talagang
halimaw nga yung pumatay sa bata.
(Kinahaponan ay nagpunta agad si mang DelFin
sa kumpare niyang si mag Ambo upang pag-usapan ang nangyareng pagpatay sa
batang lalake.)
Mang ambo: O pareng Delfin kumusta napadalaw
ka?
Mang Delfin: Alam mo na ba pareng ambo ang
nangyareng pagpatay sa batang lalake na ang sabi-sabi ay ang halimaw daw ang
pumatay?
Mang Ambo: Oo totoo yan pareng Delfin may
halimaw nga dito sa baryo natin. yung batang lalaking taga kabilang baryo na
ang mga magulang ay isang magsasakang tulad ko.
Mang Delfin: Aba’y kailangan na nating
kumilos ng maaga bago pa ang ating mga anak ang mapatay ng halimaw na
ito.
Mang Ambo: Tama ka diyan pareng Delfin.
Mang Delfin: Kung minsan ay naiiwan namin ni
Alyssa na mag-isa sa bahay si bunsoy.
(Habang nag-uusap ang magkumpare ay
dumating ang anak ni mang Ambo na si Lito na galling sa kanilang eskwelahan.
Lito: Tay tay! may nakitang patay doon sa may damuhan isang
walong taong gulang na batang babae. halimaw daw ang may kagagawan.
(Pinuntahan naman agad ito ng dalawang
magkumpareng Ambo at Delfin ang lugar kung saan mayroong batang
piƱatay umano ng Halimaw.)
Mang Delfin: Nakakatakot pala ang paraan ng
pagpatay ng halimaw na ito, kinukuha ang mga laman-loob ng tao.
Mang Ambo: Oo nga pareng Delfin, kaya kailangan
nating mag-ingat.
(nung kinagabihan ng araw na iyon pagkauwi
ni mang Delfin galling sa kanyang kumpareng si mang Ambo ay agad niya itong
ibinalita sa kanyang mga anak.)
Mang Defin: Alam niyo ba mga anak mayroon na
namang nabiktima ang halimaw kanina.
Alysa: ha! Sino tay?
Mang Delfin: Isang batang babae ng walong taong
gulang taga rito sa baryo natin.
Bunsoy: Tay natatakot ako baka pumasok sa atin yung halimaw.
Mang Delfin: Kailangan nating mag-ingat, wag na kayong
lumabas ng bahay kung madlim na.
Alyssa at Bunsoy : Opo tay.
(Habang natutulog si mang Delfin at ang
kanyang mga anak ay may naririnig siyang kakaibang tunog. Inisip niya agad baka
ito na ang halimaw.
Dali-dali niyang kinuha ang kangyang
matalim na itak at lumabas ng bahay. Pagkalabas ni mang Delfin ng bahay
ay tiyempong namang papalapit na ang halimaw sa kanilang bahay.
Pagkakita ng halimaw kay mang Delfin ay
bigla itong umalis papalayo.
Hindi na nakatulog si mang Delfin ng
gabing yun.
Kinaumagahan ay nagpunta si mang Delfin sa
kumpare nitong si mang Ambo na magsasaka at ikweninto niya ang nangyare
kagabi.)
Mang Delfin: Pareng Ambo, nakita ko na yung
itsura ng halimaw.
Mang Ambo: Bakit pare pumunta ba sainyo kagabi?
Mang delfin: Oo pare muntik na kaming mabiktima,buti
nalang ay hindi pa ako masydong tulog nung siya’y magtangkang pumasok sa bahay.
Mang Ambo: Kailangan na nating magpunta kay Kapitan
upang malaman niya na dito na sa baryo natin gumagala yung halimaw. At
kinakailangan na nating planuhin ang pagpatay sa halimaw na yan, bago pa man
makapang-biktima ng bata.
(Pagdating kay kapitan nila mang ambo at mang Delfin ay agad nilang
pinag-usapan ang mga dapat gawin upang madakip na ang halimaw.)
Kapitan: Kung ganon ang inyong plano na dakpin at patayin ang
halimaw ay tutulong din ako. Sa ngayon ay kailangan muna nating ipaalam ito sa
mga ka-baryo natin na may gumagalang halimaw sa ating baryo. At hihikayatin
natin sila na sumama sa atin sa pagdakip at pagpatay sa halimaw na ito.
Mang Delfin: Sang-ayon ako sa inyong plano
Kapitan, kami ni pareng Ambo ay tutulong sa pagpapatawag ng pagtitipon.
Mang Ambo: Tama Kapitan, tutulong din
ako.
(At ipinatawag ni Kapitan lando ang mga
tao sa baryo para sa isang pagtitipon sa gagawing pagdakip sa halimaw, sa
tulong ni mang Delfin at mang Ambo ay maraming nakadalo sa pagtitipon.)
Kapitan: Maraming salamat sa inyong pagdalo mga ka-baryo,
marahil ay alam na ninyo kung bakit tayo’y naririto upang ipaalam sa inyo na
dito na sa ating baryo gumagala ang pumapatay ng isang bata upang kainin ang
mga lamang-loob nito.. oo mga kabaryo ang tinutukoy ko ay ang halimaw. Ang
magpapatunay na mayroon ngang halimaw na gumagala sa ating baryo ay si mang
Delfin.
Mang delfin: Tama si Kapitan mga ka-baryo, ang
halimaw na tinutukoy ni Kapitan ay minsan ko nang nakasagupa ngunit sa di
malaang dahilan siya umatras at lumayo. Kaya, upang matigil na ang mga
nagaganap na mga patayan dito sa ating baryo, kami ni Kapitan at ni pareng Ambo
ay tutulong sa pagdakip sa halmaw na ito. Kung sino mang sa inyo ang gusto
sumama sa amin ni Kapitan at pareng Ambo ay magtaas lamang ng kamay.
(Natuwa si Kapitan at si mang Delfin dahil
sa halos lahat ay naki-isa sa pagdakip sa halimaw.
Mga Ka-baryo: Patayin ang halimaw! Patayin ang
halimaw!
(Nung araw mismo ay nagsipaghanda na ang
mga taga baryo Angeles ng mga sibat at mga itak na gagamitin sa pagpatay
sa halimaw. At nang ginagabihan din ay nagpatrolya na ang mga taga-baryo
Angeles sa bundok para sa pagdakip at pagpatay sa halimaw.)
Kapitan: Sandali lang mga ka-baryo, kinakailangan nating
maghiwa-hiwalay upang madali nating makita ang ating hinahanap. Mag-tatlong
grupo tayo, ang iba ay sumama sa kina delfin at ambo. At yung iba ay sumama sa
akin.
(Nagpatuloy sa paghahanap sa aswang ang
mga taga baryo angeles. At maya-maya pa ay may narinig ang grupo ni kapitan ng
may sumisigaw.
Grupo ni Delfin: Kapitan, nakita na naming yung
halimaw nasa taas ng puno ng mangga!
(Agad itong ginamitan ng sibat ni mang
Delfin)
Mang Delfin: Kapitan, tinamaan ko sa tagiliran!
(napatalon halimaw sa lupa ng may tama sa
tagiliran. Tumakbo ito papalayo,
Kapitan: Ayon bumaba na! habulin niyo!
(tiyempo naman nandoon ang grupo ni mang
Ambo at tinaga ito ni mang ambo sa leeg hanggang hindi na ito nakatakbo
at napatay.
Pagdating ng grupo nila Kapitan at ni mang
Delfin ay nakita nila na patay na ang halimaw. Nagpasalamat si kapitan sa mga
kabaryo sa matagumpay nitong misyon.)
Kapitan: Mga ka-baryo maraming salamat sa inyong lahat
at matatahimik narin ang ating lugar. Mabuhay ang mga taga-baryo angeles!
Baryo angeles: Mabuhay!
Pagkauwi ng mga grupo ni kapitan ay
masayang ibinalita ito sa buong baryo ng angeles.
Kapitan: Mga ka-baryo ikinagagalak naming ibalita sa
inyo na patay na ang kinatatakutan nating halimaw. Sa tulong ng ating
magigiting na sila mang Delfin at mang Ambo at ang ating mga ka-baryo Angeles.
Mula ngayon ay balik na sa normal ang ating pamumuhay dito sa baryo Angeles.
(tuwang-tuwa ang mga tag-baryo Angeles sa
ibinalitang patay na ang kanilang kinakatakutang halimaw)
At namuhay ng mapayapa ang mga taga- baryo
Angeles.

No comments:
Post a Comment